

Sangkap tayo
Magbasa tayo
Manood tayo
Maniwala tayo
Totoo tayo
Tumulong tayo
Sinaway tayo
Mahal tayo
Kaanib tayo
Matuto tayo
Taste The Tears
Myembrolang
Jerson
Obri-Lata
Kro20
Indie Indeed
Colin
E D C
Bobetski
Hernan
Leynski
Tadakatsu Yagyu
Favel
Journeyist
The Stranger
Design by Photokicho!
Wait lang.....
Microdot sleeve: Wait lang ang madalas namin sabihin sa nagdaang 3G Event sa World Trade Center. Wait lang kasi sobrang busy kami. Wait lang kasi tatapusin ko muna ito. Wait lang! Wait lang! Ganyan naging matagumpay ang 3rd year anniversary ng UNTV37, na sa sobrang tagumpay ay di kami magkanda-ugaga sa pag assist sa mga bisita at mga taong dumalo sa event.
8:00am ng magsimulang magpapasok ng mga tao sa venue, kaagad naman itong napuno. Medyo nahirapan ang security na icontrol ang mga tao sa kanilang pagpasok dahil sa napakaraming nagsidalo. Sa paglipas ng oras, kapansin pansin ang napakatagumpay na programang ito, ang legal, medical section at ang mga booth na may ibat’t ibang inaalok na produkto ay punong puno ng tao. Sumapit ang gabi na pinakahihintay ng karamihan. Ang mapanood ang isa sa pinakamalaking sorpresa sa gabing iyon. 6:40pm ng i-unveil ang Mobile Clinic Vehicle, Media Patrol Cars, at Libreng Sakay Bus. Sa pangunguna ni Bro. Daniel Razon at ng mga bisita at taga UNTV37, ipinarada sa labas ng venue ang dalawang bus, kasama ang mga bagong-bagong Mobile Clinic Vehicle at Media Patrol Cars. Napakaganda ng parada na may kasama pang pyrotechnics. Pagkatapos ng unveiling, nagkaroon ng mini concert na kung saan ang mga kabataan ay masayang nanood at nakinig sa kanilang mga paboritong banda gaya ng: Callallily, Sugarfree, Imago, etc. Bago matapos ang gabi, sa pangunguna nina Bro. Rolan Ocampo at Bro. Mel Magdaraog ay nagkaroon pa ng awarding of prizes sa mga naka-avail ng Globe Sim na isa sa pangunahing sponsor ng mghapong programa na kung saan pwedeng manalo ng P50K ang mabubunot na cellfon #. Nagkaroon din ng maigsing pananalita si Bro. Eli Soriano sa pamamagitan ng phonepatch. Mag-aalas dose na ng matapos ang programa. Matagumpay na nairaos ang event sa tulong at awa ng Dios.
Sa Dios ang lahat ng Karangalan at Kapurihan!