Ang buhay natin dito sa mundo mayrong hirap, mayrong lungkot. Pinipighati, dinuduro-duro ng maraming mga tao.
Hindi nila alam na may kabayaran ang kanilang mga ginagawa. Pagka't kailan pa ma'y laging nananaig ang bayan nya'y magtatagumpay.
Ang Iglesia ng Dios kailan ma'y di magagapi ng kalaban. Pagka't kasama ang Dios sa lahat ng kanyang mga pakikipaglaban sa lahat ng masama.
Sa Dios lamang ang papuri't pasalamat.
Tayo'y inaapi, tayo'y dinadala sa mga hukuman ng tao. Pilit pinipigil ating paghahayag ng mga katwiran ng Dios.
Hindi nila alam na may kabayaran ang kanilang mga ginagawa. Pagka't kailan pa ma'y laging nananaig ang bayan nya'y nagtatagumpay.
Ang Iglesia ng Dios kailan ma'y di magagapi ng kalaban. Pagka't kasama ang Dios sa lahat ng kanyang mga pakikipaglaban sa lahat ng masama.
Sa Dios lamang ang papuri't pasalamat.
Kaya nga tayo'y maghain ng pasalamat.
Ang buong bayan.
Ang Iglesia ng Dios kailan ma'y di magagapi ng kalaban. Pagka't kasama ang Dios sa lahat ng kanyang mga pakikipaglaban sa lahat ng masama.
Sa Dios lamang ang papuri't pasalamat.
Ang papuri't pasalamat, sa Dios nga lamang.
Lenguahe ng kaluluwa.....
Ikaw ay aking kublihang dako;
iyong iingatan ako sa kabagabagan;
iyong kukulungin ako sa palibot
ng mga awit ng kaligtasan.
Mga Awit 32:7
Pasado alas dose ng ako'y makauwi kagabi mula sa 1st Zone 3 North District Music Ministry Acquaintance Gathering. Isang pagtitipon ng mga mang-aawit sa bayan ng Dios. Punong-puno ito ng mga awit ng pagpupuri at paghahayag ng kadakilaan at mga kagandahang-loob ng Dios sa Kanyang bayan. Sabi nga ni Bro. Jeff, "Ang pag-awit ang pinaka-matandang gawain sa paglilingkod sa Dios. Nang lalangin ng Dios ang langit at lupa, nag-aawitan ang mga anghel." Naalala ko tuloy ang madalas kong banggitin sa mga Friendster messages ko para sa mga nakababatang kapatid na mang-aawit gaya nina Sis. Richielle at Sis. Darlina na madalas din sumagi sa pahina ng blogsite na ito. Na huwag pababayaan ang pag-awit dahil isa ito sa mataas na antas ng pananalangin at pagpupuri sa Dios. Napakasarap isipin na sa kabila ng hirap ka sa buhay, punong-puno naman ng galak at awit ng pagpupuri sa Dios ang iyong puso. Sa madalas kong pagbibisikleta, malapit man o malayo, awit pa rin ng pagpupuri sa Dios ang aking kinakanta-kanta habang pumi-pedal. Kaya naman musika pa rin ng mga ala-ala ang laging nakadikit sa pahina ng blogsite na ito, bagaman ang karamihan ng mga awit na iyon ay pang-sanlibutan, ang nasa puso ay iba, kaya nga ala-ala na lamang na mga awitin ang nagagawang isulat. Siguro kailangan ko nang mag-gitarang muli ngunit hindi na ang mga dating awit ang aking tutug-tugin kundi mga bagong awit na mula pa rin sa puso, mga awit ng pagpupuri sa Dios.
"The thoroughness of music is a universal distinction in the field of arts. It helps people to contemplate revolutionizing the present generation, to give courage to face difficulties, to desire for the unreachable, to be Godly despite trouble and to stand for what is just. Music does not just compel the power of the spirit, it is the language of the soul." - Bro. Mel BernardoSa Isang Sulok ng Paraiso
I
Hindi ako karapat-dapat ibigin
Pagkat ganda at yaman ay salat sa akin
Mahina't hamak at sako kung ituring
Sa pagkatao'y walang sukat purihin
Sa kabila ng aking kaliitan
Di maubos isipin ginalang Mo't inibig
II
Saksi ang buhay sa di masayod Mong habag
Bawat datnang umaga'y pag-asa ang hayag
Kaya't dalangin ay Iyong pahirin
Karumihan ng puso ko'y linisin
Gawing mapalad aking kaliitan
Ang Iyong abang alipin nais na marating
[CHORUS]
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay
III
Ikaw na nga lamang ang dahil ng buhay
Sa mundong kay lupit na aking nilalakbay
Maging ang hirap na nararanasan
Nahaharap pagkat Ika'y nariyan
Aliw Ka lagi sa aking kaliitan
Inaasam na langit nais makamit
[REPEAT CHORUS]
[BRIDGE]
Hindi pagpapalit sa sandaling tamis na ang dulo'y pait
Kahit may luha ay tiwalang higit ako'y ihahatid, ihahatid...
[REPEAT CHORUS]
Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay:
ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios,
samantalang mayroon akong kabuhayan.
Mga Awit 104:33
iblogged.... 9:28 PM